IM205 – [September 21]

 Isang araw na binigay para magpahinga. Buti hindi masyado mabigat yung saturday kasi walang quiz. Medyo nakapagpahinga ng onti at nakapagbonding na rin with friends. At least kahit papano nakalimutan yung pagaaral at nalalapit na defense. Sa sobrang daming problema siguro deserve din magkabreak kahit 3 oras lang. Ayun nagenjoy naman kami sa activity kahit medyo kinapos sa score. Sarili naming report nakalimutan namin, sabagay sa group namin walang may notes except sa onting PPT. Talagang based lang sa kaalaman ayan tuloy natalo. Pero okay lang importante naman sakin nagenjoy lahat. 

  Sana sa susunod na linggo masaya rin kalabasan. 

Advertisements

IM205 – [September 14]

 Isang napakahabang araw para sa amin. Unang una, kakagaling lang namin sa quiz sa Automata nung Friday. Dahil kulang sa tulog at kailangan pa ayusin ang report. Pinilit parin para mas maging masaya at interactive ang report. Sobrang dami naming binago sa report namin last minute. Yung mga pictures ng artista tapos yung game namin dapat wala naman talagang Otso otso idea lang ni Quirante yun. 

 Simulan natin nung friday night, ang daming dapat aralin dahil sa quiz. Sobrang haba ng powerpoint nung tatlo di ko na alam paano aaralin. Problema pa yung report namin hindi ko pa masiyado naiintindihan. Pinilit ko magreview kahit alam kong marami pumapasok sa utak ko na kung ano ano. Buti nakasagot naman ako kahit pano kahit medyo may bungi bungi, Ayun excited na ako sa report, last report na kaya inisip ko sana maging masaya at kwela. Kaya lang biglang may magobserve. Added pressure samin, dapat seryosohin baka sabihin nagpapatawa lang kami. Kaya medyo nagulo ako nung una kasi nagulat ako sa pagpasok nila. Buti natapos naman yung report. 

 Dun sa game medyo magulo pero at least okay naman. Lalo na sa paglagay ni Ace ng “Medium” questions. Ayun, sana naging masaya lahat ng reporting at makabuluhan naman para na rin sa amin.

IM205 – [August 31]

  Well, maganda dahil naayos na lahat at napagusapan na lahat ng issues. Tapos na yun at kalimutan na natin lahat ng mga nangyari at may second half pa. Mas maganda kung magiging memorable ang subject kesa pangit ang kalabasan. Pagbutihin nalang sa susunod pang half.

  Hindi na ako nalate, medyo. Sakto ako dumating ng 12:15, hindi na nga ako nag elevator para umabot tinakbo ko na yung hagdan. Pero sa susunod sasakto na yan ng 12 promise. 🙂

  Naging masaya naman yung sabado namin kahit alam kong ito na siguro yung huling sabadong magiging maluwag para sa amin. Ngayong September masusukat ang lakas at kakayahan ng bawat graduating student. Kung paano namin mababalance ang academics at pahinga lalo na palapit na ng palapit ang mga deadlines. Kami pa pala ang last na magrereport dapat maging kagila-gilalas ang last reporters.

  Naging masaya din ang group game dahil naging competitive ang bawat isa at nareview na rin sa mga bagay bagay. Magandang way ito para mas lalong tumatak sa isip namin yung mga mahihirap na terms. 

IM205 – [August 24]

Last na talaga ako malalate Maam, promise na yun. 😀 Nalalate ako noong mga nakaraang sabado kasi inaasikaso ko yung jersey ng section namin hehe sorry po hindi na yun mauulit.

 

Anyway, medyo kinabahan ako sa prelims kung makakapasa ako. May mga petty mistakes nanaman ako sayang. Kinulang ng word or words sana mas nakatulong sa score ko. Pero sana pumasa naman, kasi dun sa unang prelims 1pt short ako sana may plus. Akalain niyong nagabot pala po tayo sa Engineering. Tingin ko po nagkasalubong na tayo sa Engg nung first year ako hindi ko lang matandaan. 😀 Medyo mahirap yung quiz nakakapressure kasi nakakalimutan ko yung ibang parts. Sayang, okay lang may second half pa kailangan kong bumawi para tumaas taas yung grades ko. Napaisip na rin tuloy ako parang gusto ko na rin magturo pagkagraduate. Mahirap po ba pagsabayin yung work talaga tsaka pagtuturo? And okay ba ang compensation? Thank you Maam 

IM205 – [August 10]

Image

 

Well explain ko muna kung bakit ako nalate haha. Sobrang napagod ako sa pagnuod ng game ng Gilas vs Kazakhstan, dapat gigising ako ng maaga para magreview. Nagulat ako 10 na, hindi pa ako nagrereview. Kaya nalate ako ng onti dahil ayaw ko bumagsak haha. Sobrang hirap ng exam, nakalimutan ko pa yung ibang mga items. Tinandaan ko yun pero biglang nawala sa isip ko. Sayang yung points. Naengot pa ako dun sa year sa modified true or false.

After ng exam, nagreport yung group nila Sabio. Ang haba ng report pero benta si Benette.Yung mga hindi dapat ginagawa ng reporters, minock niya kya natawa talaga ako. Anyway talaga prepared ang group nila at maganda ang naging resulta. Masaya yung game nila at talagang nagenjoy yung buong class. Nakakatawa si Capots dahil naniwala na “C” yung piliin ayan tuloy naWhammy. Okay lang masaya naman dahil, maraming natutunan dahil sa activity, nagenjoy lahat, at nanalo pa kami. Nakakatuwa lang dahil sa tingin ko sa sobrang dami naming ginagawa nakakalimutan na naming magenjoy. Siguro isa to sa mga moments na kahit papano nakalimutan namin mga problema namin sa school. Ngayon nagsulat ako ng blog dahil hindi ko talaga macontain yung nararamdaman ko, sobrang saya maging pinoy ngayon.

Panalo ang Gilas sa South Korea at pasok na sa FIBA World Cup sa Spain 2014. Sobrang crucial yung laro at pamatay talaga. Buti nalang nanaig yung puso ng Pinoy. Good luck nalang sa game nila bukas vs Iran at kung papalarin, sana magchampion. 🙂

Image

IM205 – [July 27]

Isa lang masasabi ko, sobrang pagod na ako ngayong semester. Tuwing sabado at thursday lang kami nakakaluwag kahit papano dahil isang subject lang tapos Sunday pa pagkatapos. Puro Thesis at S.E nalang tumatakbo sa isipan namin sobrang hirap ng ganito. Minsan gusto ko nalang matapos tong semester na to pero naisip ko hindi ko pa nasusulit ang IM. Alam ko marami pang masasayang pangyayari ang aming masasaksihan dito sa IM kaya sayang naman kung matatapos agad. 

 

Natuto nanaman ako ng bago sa IM. Mga small projects at kung ano ano pa. Nung una akala ko walang tawag sa mga ganung bagay. Kumbaga in layman’s term lang. Yun pala may study pala talaga yung mga ganun. At kailangan din matutunan yun lalo na nung nasa OJT ako, talagang sinasabi nila yung mga terms na ganun. Minsan hindi ako nakakarelate. At least yung mga natutunan ko sa IM ay maiaapply ko na rin. Nakakatuwa din dahil may nagreport na at alam mo talagang handa sila. Kaso ang hirap ng seatwork. Nakakadistract din yung lakas ng ulan parang gugunaw na yung building.

 

Pero sabi nga nila matatapos din lahat ng paghihirap na to, at siempre magbubunga rin.

IM205 – [July 13]

“Ang pagaaral ang magiging susi sa pagwaksi ng kahirapan sa ating bansa.”

                                                                                            –Neil Bryan Canlas Viñas III

    Bakit nga ba tayo nagsusumikap para makapasa? Kasi iniisip natin at naniniwala tayo na magkakaroon tayo ng magandang buhay. Gusto natin mahigitan kung ano mang meron tayo ngayon at matutunan ang mga bagay na kailangan natin para maging maganda ang ating buhay. Kaya ako nalate nung sabado dahil dito. May pagsusulit sa IRM at ayokong ma-OBE. Nagaral ako ngunit hindi pala ito sapat dahil nakalimutan ko ang ibang mga termino. Masasabi ko na ang pagsasanay ay medyo mahirap at maraming termino na dapat ay tinandaan. Nangako ako sa sarili ko na kailangan ko pang magsumikap para makakuha ng mataas na grado.

     Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kakatitig sa napakagandang mga powerpoint slides na ginawa niyo po. Naubos ang oras ko sa pagmemoriya nung History sa Chapter 3 ngunit hindi ito lumabas. Pero hindi ako nanghihinyang dahil alam kong magagamit ko ito sa hinaharap. Kilala ko na si Dennis Ritchie na gumawa ng “On the Security of UNIX.”

Image

   Ang pinanuod naming pelikula ay “Pirates of the Silicon Valley”. Medyo pamilyar ako sa pelikulang ito dahil nabanggit na ito sakin dati ngunit hindi ko pa siya napapanuod. Noong una hindi ko maintindihan dahil sa hindi ko masiyadong marinig at hindi ko kilala kung sino ang mga artista at ginaganapan nila. Ngunit napahanga ako dahil nakuha nila ang resemblance ni Bill Gates at Steve Jobs ng tama. Nabasa ko pa nga na dahil natuwa si Steve Jobs sa pelikula, kinuha niya si Noah Wyle para magpanggap sa isang Apple Conference. Mapapanuod niyo ito sa YouTube.

   Nakakamangha ang pelikula dahil hindi ko lubos maisip na magagawa ng mga normal na tao ang kanilang ginawa. Napakagaling nilang magisip at dahil dito nakapagtamo sila ng maraming salapi. Ngunit pinakita sa palabas na ito ang mga hindi dapat gawin ng isang kompanya.

    Sabi nga sa IRM, ang bawat impormasyon ay mahalaga at dapat ay iniingatan ito. Hindi porket kaibigan ito o matatamis ang mga salitang binibitawan niya ay dapat na itong paniwalaan. Ngunit mahirap din namang pigilan ang impormasyon sa pagkalat. Dapat lang siguro ay mabuti itong protektahan at limitahan ang pagkalat ng impormasyon. Siguraduhin na sa mga taong nagtitiwala ka ng lubos nasasabi ang mga napakahalagang mga impormasyon. Pinapakita rin sa pelikula ang paghihirap ng mga taong gustong yumaman. Ngunit dahil sa kanilang pagsusumikap at kaunting swerte, naabot nila ang tagumpay. Pinapakita rin sa palabas na ang impormasyon ay patuloy na umuunlad. Hindi maaring huminto lang tayo sa kung anong nasa harapan natin. Dapat ay tignan natin ang para sa hinaharap. Naalala ko nga ang guro ko dati. Sinabi niya na noong dekada nobenta daw, sobrang pumatok ang “Camera Films”. Sobrang patok na lahat nagpapatayan para makabili nito. Isa itong magandang teknolohiya na talagang hinahanap hanap ng mga tao. Isang kompanya daw, hindi ko sigurado kung Kodak, ay nakagawa ng pagkakamali. Dahil sa kanilang impormasyon na malakas ang film sa market. Gumawa sila ng sobrang dami nito na masusustain hanggang sa mga susunod na taon. Ngunit hindi nila nakita na maaring magiba ang teknolohiya sa mga susunod na panahon. Hindi nila nakita ang pagusbong ng “Digital Camera”. At dahil sobrang dami nga ng kanilang mga films, hindi na ito mabenta dahil sa pagusbong nga Digital Camera. Napilitan silang ibenta ito ng sobrang mura at malaki laki ang nalugi nila. Isa itong pagpapakita ng maling paggamit ng impormasyon.

    Pinakita pa sa pelikula ang pagbili ng mga malilit na impormasyon. Ang impormasyon ng isa na hindi mahalaga ay ginto para sa iba. Kung hindi nagsimula si Bill Gates sa pagbili ng maliit na OS, hindi siguro siya mayaman ngayon. Kung hindi nadiskubre ni Steve Jobs ang mouse at GUI ng Xerox, siguro ay walang iPad ngayon. Nagpapakita rito na ang impormasyon, maliit o malaki, dapat pahalagahan at bigyang importansiya.

mouse

    Isa sa pinakanatutunan ko sa palabas na ito ay kailangan mong sumugal para yumaman at umunlad. Wala silang hawak na kahit ano ngunit pinalabas nila na meron na silang O.S. Sumugal sila kahit alam nilang posible silang bumagsak. Sana ay dumating ang pagkakataon na kailangan ko ring sumugal at kung tama man ang aking gawin, maging mayaman din ako gaya nila.

IM205 – [July 6]

Medyo nawawalan na ako ng lakas kapag sabado dahil na OBE ako sa Cisco at marami pang gagawin for S.E at Thesis. Feeling ko di ko na kakayanin kaya late nanaman ako pumapasok. Di rin ako makapagisip ng maayos kapag klase kasi tumatakbo sa isip ko yung mga dapat gawin. Siguro kaya mababa nakuha ko sa seatwork, kasi ang dami daming palutang lutang sa isip ko hindi na ako nakakakinig. Pero alam ko naman yung mga dinidiscuss. Nalimutan ko lang nung seatwork. Kailangan ko pang galingan para tumaas yung mga grades ko. Nakakatuwa din dahil nakita ko na yung grade ko sa Quiz. Buti hindi ako na OBE kasi medyo hindi ko sure yung iba eh. Pero binigay ko naman yung makakaya ko at alam kong makakapasa ako. Ang haba ng discussion nung saturday, sobrang daming terms, pero nagrasp naman namin at nabigyan naman kami ng time para magbreak para nakakapagrefresh din kami. Nakakagutom nga lang kasi sarap ng kinakain ni Jarvis.

 

Song of the day

IM205 – [June 29]

Last Saturday, nagdiscuss kami about dun sa case study. Pagkatapos ko mabasa yung I Love You Virus na yun, napahanga ako sa gumawa. Well, hindi naman talaga mabuti yung ginawa niya pero hindi ko maisip na noong panahon na yun, makakaisip na siya ng mga ganung bagay. Para sa akin advance yung thinking niya para sa generation niya. Hindi man maganda yung naging pinsala, isa pa rin tong napakalupit na gawain lalo na at napansin siya ng buong mundo. Kahit ako, hindi siguro ako makakaisip ng ganung klaseng bagay lalo na kung para sa kalokohan.

Naawa ako at napaluha sa kwento niyo po dahil hindi ko akalain may mga ganung klase pala ng tao. Hindi ko lubos maisip na kayang mangbundol ng mga tao ngayon. Ano bang tingin nila sa mga tao pader? Kawawa naman po kayo, nako baka sumikat po kayo niyan kapag sumulat kayo kay Ate Charo ng storya niyo at pwede pang maisapelikula ang buhay niyo. Sana po ay wala namang nangyaring masama sa inyo. Napakasaya po ng araw na yun dahil maaga ang dismissal at nakanuod ako ng first game ng UST. Napakagaling ni Karim at binuhat niya ang UST sa pagkapanalo.