IM205 – [July 27]

Isa lang masasabi ko, sobrang pagod na ako ngayong semester. Tuwing sabado at thursday lang kami nakakaluwag kahit papano dahil isang subject lang tapos Sunday pa pagkatapos. Puro Thesis at S.E nalang tumatakbo sa isipan namin sobrang hirap ng ganito. Minsan gusto ko nalang matapos tong semester na to pero naisip ko hindi ko pa nasusulit ang IM. Alam ko marami pang masasayang pangyayari ang aming masasaksihan dito sa IM kaya sayang naman kung matatapos agad. 

 

Natuto nanaman ako ng bago sa IM. Mga small projects at kung ano ano pa. Nung una akala ko walang tawag sa mga ganung bagay. Kumbaga in layman’s term lang. Yun pala may study pala talaga yung mga ganun. At kailangan din matutunan yun lalo na nung nasa OJT ako, talagang sinasabi nila yung mga terms na ganun. Minsan hindi ako nakakarelate. At least yung mga natutunan ko sa IM ay maiaapply ko na rin. Nakakatuwa din dahil may nagreport na at alam mo talagang handa sila. Kaso ang hirap ng seatwork. Nakakadistract din yung lakas ng ulan parang gugunaw na yung building.

 

Pero sabi nga nila matatapos din lahat ng paghihirap na to, at siempre magbubunga rin.

IM205 – [July 13]

“Ang pagaaral ang magiging susi sa pagwaksi ng kahirapan sa ating bansa.”

                                                                                            –Neil Bryan Canlas Viñas III

    Bakit nga ba tayo nagsusumikap para makapasa? Kasi iniisip natin at naniniwala tayo na magkakaroon tayo ng magandang buhay. Gusto natin mahigitan kung ano mang meron tayo ngayon at matutunan ang mga bagay na kailangan natin para maging maganda ang ating buhay. Kaya ako nalate nung sabado dahil dito. May pagsusulit sa IRM at ayokong ma-OBE. Nagaral ako ngunit hindi pala ito sapat dahil nakalimutan ko ang ibang mga termino. Masasabi ko na ang pagsasanay ay medyo mahirap at maraming termino na dapat ay tinandaan. Nangako ako sa sarili ko na kailangan ko pang magsumikap para makakuha ng mataas na grado.

     Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kakatitig sa napakagandang mga powerpoint slides na ginawa niyo po. Naubos ang oras ko sa pagmemoriya nung History sa Chapter 3 ngunit hindi ito lumabas. Pero hindi ako nanghihinyang dahil alam kong magagamit ko ito sa hinaharap. Kilala ko na si Dennis Ritchie na gumawa ng “On the Security of UNIX.”

Image

   Ang pinanuod naming pelikula ay “Pirates of the Silicon Valley”. Medyo pamilyar ako sa pelikulang ito dahil nabanggit na ito sakin dati ngunit hindi ko pa siya napapanuod. Noong una hindi ko maintindihan dahil sa hindi ko masiyadong marinig at hindi ko kilala kung sino ang mga artista at ginaganapan nila. Ngunit napahanga ako dahil nakuha nila ang resemblance ni Bill Gates at Steve Jobs ng tama. Nabasa ko pa nga na dahil natuwa si Steve Jobs sa pelikula, kinuha niya si Noah Wyle para magpanggap sa isang Apple Conference. Mapapanuod niyo ito sa YouTube.

   Nakakamangha ang pelikula dahil hindi ko lubos maisip na magagawa ng mga normal na tao ang kanilang ginawa. Napakagaling nilang magisip at dahil dito nakapagtamo sila ng maraming salapi. Ngunit pinakita sa palabas na ito ang mga hindi dapat gawin ng isang kompanya.

    Sabi nga sa IRM, ang bawat impormasyon ay mahalaga at dapat ay iniingatan ito. Hindi porket kaibigan ito o matatamis ang mga salitang binibitawan niya ay dapat na itong paniwalaan. Ngunit mahirap din namang pigilan ang impormasyon sa pagkalat. Dapat lang siguro ay mabuti itong protektahan at limitahan ang pagkalat ng impormasyon. Siguraduhin na sa mga taong nagtitiwala ka ng lubos nasasabi ang mga napakahalagang mga impormasyon. Pinapakita rin sa pelikula ang paghihirap ng mga taong gustong yumaman. Ngunit dahil sa kanilang pagsusumikap at kaunting swerte, naabot nila ang tagumpay. Pinapakita rin sa palabas na ang impormasyon ay patuloy na umuunlad. Hindi maaring huminto lang tayo sa kung anong nasa harapan natin. Dapat ay tignan natin ang para sa hinaharap. Naalala ko nga ang guro ko dati. Sinabi niya na noong dekada nobenta daw, sobrang pumatok ang “Camera Films”. Sobrang patok na lahat nagpapatayan para makabili nito. Isa itong magandang teknolohiya na talagang hinahanap hanap ng mga tao. Isang kompanya daw, hindi ko sigurado kung Kodak, ay nakagawa ng pagkakamali. Dahil sa kanilang impormasyon na malakas ang film sa market. Gumawa sila ng sobrang dami nito na masusustain hanggang sa mga susunod na taon. Ngunit hindi nila nakita na maaring magiba ang teknolohiya sa mga susunod na panahon. Hindi nila nakita ang pagusbong ng “Digital Camera”. At dahil sobrang dami nga ng kanilang mga films, hindi na ito mabenta dahil sa pagusbong nga Digital Camera. Napilitan silang ibenta ito ng sobrang mura at malaki laki ang nalugi nila. Isa itong pagpapakita ng maling paggamit ng impormasyon.

    Pinakita pa sa pelikula ang pagbili ng mga malilit na impormasyon. Ang impormasyon ng isa na hindi mahalaga ay ginto para sa iba. Kung hindi nagsimula si Bill Gates sa pagbili ng maliit na OS, hindi siguro siya mayaman ngayon. Kung hindi nadiskubre ni Steve Jobs ang mouse at GUI ng Xerox, siguro ay walang iPad ngayon. Nagpapakita rito na ang impormasyon, maliit o malaki, dapat pahalagahan at bigyang importansiya.

mouse

    Isa sa pinakanatutunan ko sa palabas na ito ay kailangan mong sumugal para yumaman at umunlad. Wala silang hawak na kahit ano ngunit pinalabas nila na meron na silang O.S. Sumugal sila kahit alam nilang posible silang bumagsak. Sana ay dumating ang pagkakataon na kailangan ko ring sumugal at kung tama man ang aking gawin, maging mayaman din ako gaya nila.

IM205 – [July 6]

Medyo nawawalan na ako ng lakas kapag sabado dahil na OBE ako sa Cisco at marami pang gagawin for S.E at Thesis. Feeling ko di ko na kakayanin kaya late nanaman ako pumapasok. Di rin ako makapagisip ng maayos kapag klase kasi tumatakbo sa isip ko yung mga dapat gawin. Siguro kaya mababa nakuha ko sa seatwork, kasi ang dami daming palutang lutang sa isip ko hindi na ako nakakakinig. Pero alam ko naman yung mga dinidiscuss. Nalimutan ko lang nung seatwork. Kailangan ko pang galingan para tumaas yung mga grades ko. Nakakatuwa din dahil nakita ko na yung grade ko sa Quiz. Buti hindi ako na OBE kasi medyo hindi ko sure yung iba eh. Pero binigay ko naman yung makakaya ko at alam kong makakapasa ako. Ang haba ng discussion nung saturday, sobrang daming terms, pero nagrasp naman namin at nabigyan naman kami ng time para magbreak para nakakapagrefresh din kami. Nakakagutom nga lang kasi sarap ng kinakain ni Jarvis.

 

Song of the day

IM205 – [June 29]

Last Saturday, nagdiscuss kami about dun sa case study. Pagkatapos ko mabasa yung I Love You Virus na yun, napahanga ako sa gumawa. Well, hindi naman talaga mabuti yung ginawa niya pero hindi ko maisip na noong panahon na yun, makakaisip na siya ng mga ganung bagay. Para sa akin advance yung thinking niya para sa generation niya. Hindi man maganda yung naging pinsala, isa pa rin tong napakalupit na gawain lalo na at napansin siya ng buong mundo. Kahit ako, hindi siguro ako makakaisip ng ganung klaseng bagay lalo na kung para sa kalokohan.

Naawa ako at napaluha sa kwento niyo po dahil hindi ko akalain may mga ganung klase pala ng tao. Hindi ko lubos maisip na kayang mangbundol ng mga tao ngayon. Ano bang tingin nila sa mga tao pader? Kawawa naman po kayo, nako baka sumikat po kayo niyan kapag sumulat kayo kay Ate Charo ng storya niyo at pwede pang maisapelikula ang buhay niyo. Sana po ay wala namang nangyaring masama sa inyo. Napakasaya po ng araw na yun dahil maaga ang dismissal at nakanuod ako ng first game ng UST. Napakagaling ni Karim at binuhat niya ang UST sa pagkapanalo.

IM205 – [June 22]

Nagdiscuss na si Ms. Kit about sa lesson namin. Medyo madali pa intindihin at okay yung pagdiscuss niya ng mga lesson madaling naiintindihan. Puna lang ng aking mga kamag-aral ay sana daw po hindi black ang background ng powerpoint dahil magastos sa ink kapag prinint. Madaling pumasok sa aking isipan ang mga tinuturo dahil sa masayang pagtatalakay ni Ms. Kit.

Nagulat ako sa mga tanong sa quiz dahil hindi ko ineexpect na ganun. Pangit kasi ako magsulat kaya ayoko ng mga ganung klase ng exam. Tsaka nagmamadali ako kasi natatakot ako na baka mawala yung mga naisipan ko or makalimutan ko. Pero ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Ayoko kasi isipin ni Ms. Kit na wala kami natutunan. Gusto ko ipakita na nagpupursigi ako at gusto ko talagang makakuha ng mataas na grado. Kailangan ko kasi magsikap at makahanap ng magandang hanapbuhay para may pangkain na kami ng tatlong beses sa isang araw.

Sobrang dami ko pong natutunan sa subject niyo. At kung mababa man ako sa huling quiz, sisiguraduhin ko po na makakabawi ako sa mga susunod. Gusto ko po maging masaya yung klase at marami rin pong matutunan na mahahalagang bagay na pwede namin balikan sa hinaharap.

IM205 – [June 8 &15]

Nagulat ako nung first meeting kasi expected ko walang pasok or walang teacher. Pag pasok ko akala ko naman may bantay lang sa classroom. Yun pala yun na yung professor namin ang bata niyo po kasi. Na-late pa ako ng dating tapos tinanong ako kung bakit daw ako nalate. Nasabi nalang nung kasama ko na malayo bahay namin at traffic. Malayo naman talaga, malayo sa UP malapit sa UST. Natuwa ako sa activity kasi first time namin ginawa yun. Sobrang naiyak ako kasi pangarap ko talaga makapaglaro ng ganung game. Nakakatuwa lang lalo kong nakilala yung mga kaibigan ko, lalo akong napahanga sa kanila.  Dahil po sa ginawa niyo, nawala na yung hiya ko sa mga kaibigan ko at medyo nakakangiti na po ako. Maraming salamat po Ms. Kit.

Tapos sa sumunod na meeting, bumuo kami ng grupo. Pinangalanan naming Kimerald yung grupo namin kasi fan si Ace Vitug ng Kim at Gerald. Okay po yung ginawa niyong setup kasi medyo nakakainteract namin mga kaibigan namin at medyo gumagaan yung pakiramdam. Natuto kami sa isa’t isa. Malaking bagay yung napakasarap pumasok ng sabado kasi alam namin magkakaroon nanaman kami ng mga ngiti sa aming mga labi at magiging masaya kami. Pero higit sa lahat, marami kaming natutunan na mga mahalagang bagay na kakailanganin namin sa aming paglaki at sa aming kurso.